by: Pedro Bukaneg
Sina Don Juan t Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop
ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang.
Bago pa isilan si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na
sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota
na kalaban nila.
Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong.
Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga
hilot kung manganganak ang maybahy nila ngunit dahil nga
wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa
pagsilang ni Namongan.
Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling
na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin
ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong
pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na
di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang.
Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama.
Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di
pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan.
May dala siyang iba't- ibang sandata at mga antng-anting
na makapag-bibigay-lakas sa kamiya at maaaring gawin siyang
hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na
ito.
Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't
namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang
pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote.
Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama
kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa
niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata
at anting-anting. Ang isa sy kaniyang pinahirapan lamang
saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote
ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang
nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay
ng ama niya.
Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglt ang tagumpay, pinaliguan
siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil
ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma,
naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nanagmatay
ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira
sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan
sa katawan nito.
Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan
na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang
si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang putting
tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni
Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay
Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi
si Lam-ang.
Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't
gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin.
Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa
tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol
niya at sa isang igalp, tumindig uli ang bahay na natumba.
Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y
ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag
ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y
payag na maging manugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay
ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng
magulang ng dalaga.
Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan
at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala nila ang
lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang
dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian
at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa
pagkatapos ng kasal nila.
Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng
kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid s ilog upang
humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya
ay sinamang palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang
urinng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod
ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang
kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok,
ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting
kumilos ang mga buto.
Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay
nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang
putting tandang at abuhing aso.