Si Marcelo H. del Pilar na itinuturing
na "Predikador ng Masa",na kilala sa mga sagisag
na Plaridel, Dolores Manapat at Puppoh ay isinilang sa
nayon ng Cupang,
San Nicolas, Bulacan, noong Agosto, 1850. Nag-aaral siya
sa Colegio de San Jose at nagtapos ng deretso sa Unibersidad
ng Santo Tomas. Ang kanyang ama ay tatlong ulit na naging
gobernadorsilyo ng Bulacan kaya kilala ang kanilang angkan.
Si Marcelo H. del Pilar ay mahusay sa eskrima at mahilig
tumugtog ng biyolin at plauta. Kinilala siyang pinakatanyag
na duplero sa Bulacan noong kanyang kapanahunan. Si Marciana
del Pilar na isa niyang pinsan ang naging kapilas ng kanyang
dibdib.
Itinatag niya ang pahayagang "Diariong Tagalog"
noong 1882 na pinaglathalaan niya at ng kanyang mga kamanunulat
ng mga karaingan ng nga naaapi at paghingi ng reporma
sa pamahalaang Kastila. Siya naglakbay sa Espanya noong
1888 upang maiwasan ang mga pag-uusig sa kanya at upang
makatulong sa mga propagandista.
Sa Espanya ay hinalinhan niya si Graciano Lopez-Jaena
bilang patnugot ng pahayagang "La Solidaridad".
Namatay siya sa Espanya sa sakit na tuberkulosis.
Ilan sa kanyang mga Akda:
Kaiingat Kayo: libritong nagtatanggol sa “Noli
Me Tangere” ni Rizal sa ginawang pagtuligsa rito ni
Padre Jose Rodriguez.
Dasalan at Tocsohan: gumagagad sa mga nilalaman ng aklat
dasalan sa paraang mapanudyo.
Ang Cadaquilaan ng Dios: isang sanaysay na tumutuligsa
sa mga prayle at nagpapakilala ng matibay na pananalig ni
Marcelo H. del Pilar sa Diyos, sa Kanyang kadakilaan dahil
sa mga biyayang dulot ng kalikasan na ipinagkaloob Niya
sa atin. Si Marcelo H. del Pilar ay isang Katoliko ngunit
hindi panatiko.